Uncategorized

Pangarap na Minimithi

Simula pa lamang ng isilang sa mundong ibabaw, ang mga magulang ay mayroon ng pangarap para sa kanilang mga anak pagdating ng panahon. Dito nagsisimula na makita kung ano ang magiging kahihinatnan sa hinaharap. Kapag nagsimula ng magaral ang isang bata ay dito niya na masasabi kung ano ang kanyang pangarap at mga naisin. Magsisimula na rin ang iba’t ibang mga pagsubok na kakaharapin at kinakailangan na malampasan ito. Sipag at Tiyaga ang kailangan at puhunan upang maisakatuparan ito.

Karaniwang sagot ng mga kabataan sa murang edad na kapag sila ay tinatanong kung ano ang kanilang gusto paglaki ang mga kalimitang sinasagot nila ay maging isang pulis, doctor, guro at piloto. Ngunit sa paglipas ng panahon ay nanaisin na din nila na maging kung ano ang kanilang naisin na talaga. Marahil ay nadagdagan na ang kanilang kaalaman at kakayahan at mayroon na rin silang kalayaan na mamili ng kanilang gusto.

Ngunit sa ibang kadahilanan ay hindi nakakamit ng isang indibidwal ang kanyang pangarap. Marahil ay mayroong maling nangyari na hindi inaasahan. Iba ang gusto ng magulang sa sariling kagustuhan at walang magawa kundi sundin ang magulang. Ngunit kalimitan lamang itong nangyayari. Ang mga magulang ang laging nandyan upang suportahan ang kanilang mga anak sa kung anuman ang naisin nito. Lagi lamang silang nasa likod nito at gumagabay.

Ang pangarap ay nararapat na makamit upang masabi na ikaw ay isang matagumpay natao. Kung hindi man ito makamit ng lubos maghinatay lamang at ito ay makakamit rin sa takdang panahon na itinakda ng Diyos.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s