Pagbabago sa Kalikasan

Ang kalikasan sa kasalukuyan ay tunay na nakababahala na. Mayroong panahon na sobrang init at panahon naman na sobrang lamig. Dito pa lamang ay masasabi na malaking pagbabago na ito sa kalikasan at maging sa ating klima.

Kaunting ulan malawakang pagbaha na ang nagaganap. Ito ay marahil sa dami ng basurang nagkalat at kung noon ay napakaraming puno ang nakatanim ngayon ay halos wala na. Ang mga puno ang nagbibigay ng sariwang hangin sa atin at ito rin ang humahawak sa mga lupa upang hindi magkaroon ng landslide. Ngunit paano na ngayon na wala na ang mga ito? Ang ganitong uri ng kalamidad ang siyang nagpapahirap sa atin na halos ikaubos ng mga pananim, pagkasira ng mga imprastruktura, bahay at pati sariling buhay.

Isa pa ang nagiging dahilan ng pagbabago ng klima at pagkasira ng ating kalikasan ay ang mga makabagong teknolohiya. Isa ito sa mga gusto ng tao, ang mga makabagong teknolohiya na nakakapagpabilis ng kanilang mga kailangang gawin ngunit hindi nila napapansin na mayroong masamang epekto ito sa atin.

Ang ganitong suliranin ng ating kapaligiran ay maiibsan lamang bagama’t hindi na ito tuluyang maibabalik pa sa dati ay sa pamamagitan ng “3R’s” o ang Reduce, Reuse, Recycle. Ang pagsasagawa ng “3R’s” ay hindi kabawasan kahit kanino man bagkus makatutulong pa sa pagpaaunlad ng kalinisan, kaunlaran, at higit sa lahat sa ating inang kalikasan.

Sabi nga, “Kabataan, pag-asa ng ating Bayan”. Kung pagbabasehan ang ganitong wikain ukol sa kabataan ay talagang napakagandang pakinggan, ngunit ano ang magiging patotoo upang ito nga talaga ay karapat-dapat wikain?

Sa mga simple nating mga gawain makatutulong tayo sa pag-sagip ng kalikasan. Tulad ng hindi paggamit ng plastik sapagkat hindi ito nabubulok. Maari ring magtanim ng mga pamalit sa mga pinutol na mga puno ng sa gayon ay makalanghap ulit ng sariwang hangin. Huwag na rin tayong magsayang ng papel dahil sa mga puno ito nanggaling.
Kung ang kaliit-liitang desisyong katulad nito ay araw-araw nating ginagawa, hindi na kailangan pang umiyak at maghingalo ng ating Inang Kalikasan mula sa mga pagbabagong nais natin tungo sa kaunlaran.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s