Gobyerno sa Pilipinas

Ngayong taon lamang ay naghalal na naman ang Pilipinas ng panibagong Gobyerno na siyang mamamahala sa loob ng 6 na taon. Ang mga opisyales na ito ang mayroong kapangyarihan na pamahalaan ang bansa at tulungan ang mga taon nasasakupan nito.

Ang kasalukuyang presidente ng Pilipinas na si Pangulong Rodrigo Duterte ay mayroong mga plano upang maisaayos ang bansa laban sa mga hindi magandang nangyayari sa mga nakaraang taon. Kasama ang kanyang mga opisyales ay gagawin niya ito ng buong husay at taos-puso para sa mga Pilipino.

Isa na dito ang pagpuksa sa mga gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamot at mga nagtutulak nito. Ang droga ay isang salot sa lipunan na siyang sumisira sa buhay ng bawat indibidwal. Marapat lamang na ito ay matigil upang hindi na makasira ng buhay. Isa pa ay pipiliting niyang pigilan ang mga kurap sa gobyerno na siyang nagpapahirap sa bayan. Hindi ito magandang gawain dahil ang mga mamamayan ang naapektuhan at nagsasakripisyo.

Sa kasalukuyang panahon kung saan nagsisimula naang mga pagbabagong kanyang sinabi noong siya ay tumatakbo pa lamang sa pagkapresidente at unti-unti na itong natutupad bagama’t hindi pa ito tapos ngunit mabuti ng nasimulan. Nawa’y ito ay magtuloy tuloy para sa ikakabuti ng bawat tao sa Pilipinas.

Ang bawat tao ay maaaring makatulong sa ating gobyerno sa pakikiisa nito sa mga programang ipinatutupad. Maging isang magandang halimbawang mamamayan sa sariling bayan para sa ikauunlad nito sa darating na pahanon.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s